^

Bansa

2016 salubungin ng pag-asa - PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ng Malacañang ang taumbayan na salubungin ang 2016 na puno ng pag-asa upang makamit ng bansa ang mas maunlad na pamumuhay.

Binanggit ni Communications Sec. Sonny Coloma na sa survey ng Pulse Asia ay lumitaw na 89 percent ng mga Filipino ang positibo pa din na gaganda ang kanilang buhay sa 2016.

Wika ni Coloma, dapat sabayan ng sipag at pagpupunyagi ng mamamayan ang hangarin nilang umunlad ang kanilang pamumuhay at huwag lamang umasa sa ‘milagro’ at tulong ng gobyerno.

Aniya, bagamat ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang lalong mapayabong ang ekonomiya ay dapat gampanan din ng taumbayan ang kanilang parte na magsikap upang umunlad ang kanilang pamumuhay.

“Dapat magtulungan ang gobyerno at taumbayan para matupad ang mas mayabong na 2016 at mas maunlad na pamumuhay para sa lahat,” dagdag pa ni Coloma.

vuukle comment

ANG

ANIYA

ATILDE

BINANGGIT

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

DAPAT

HINIKAYAT

MALACA

PULSE ASIA

SONNY COLOMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with