^

Bansa

Pagawaan ng plastic sa Quezon City naabo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang warehouse na pagawaan ng plastic ang naaabo makaraang masunog sa bisperas ng Bagong Taon sa lungsod Quezon.

Ayon kay Senior Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, ang nasunog na bo­dega ay ang Geo Parts Company na matatagpuan sa no. 27 Pineda St., sa Bgy. Nagkaisang Nayon sa lungsod na pag-aari ng isang Peter Uy.

Sabi ni Fernandez, nagsimula ang apoy sa may opisina sa unang palapag ng nasabing gusali, alas 8:50 ng gabi.

Bigla na lamang umanong may umusok mula dito hanggang sa magsimulang maglagablab at lamunin ang buong palapag.

Dahil sa kapal ng usok kailangang gumamit pa ng breathing apparatus ang kanilang tropa para mapasok ang kaloob looban ng establisimiyento at maapula ang apoy.

Alas 9:37 ng gabi nang maapula ang apoy na umabot naman sa ikalawang alarma.

Wala namang ini­ulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente habang umabot naman sa P50,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian nito. 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

BGY

GEO PARTS COMPANY

JESUS FERNANDEZ

NAGKAISANG NAYON

PETER UY

PINEDA ST.

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with