^

Bansa

2 extortionist, arestado

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang lalaki na sinasabing extortionist makaraang masakote ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ni P/Supt. Gilbert Tuzon, hepe ng Midsayap PNP ang mga suspek na sina Omar Soledad, dating kawani ng Weena Bus Company; at P01 Howell Soledad Dequita na nakadestino sa Maritime 12 sa General Santos City at mga residente ng Barangay Rebuken sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon kay Tuzon, isinagawa ang operasyon sa loob ng banko sa Barangay Poblacion 6 sa nasabing bayan.

Naaktuhan ang mga suspek na nangingikil sa dalawang babaeng negosyanteng sina Lucena Singco at Rena Singco.

Ayon sa imbestigas­yon na nahikayat ang mga biktima na magbigay ng pera dahil natakot ang mga ito dahil aktibo sa serbisyo si PO1 Dequita.

Nasamsam rin sa mga suspek ang ilang bala ng cal. 45 pistol, at fragmentation grenade sa loob ng sasakyan ng suspek.

Kasalukuyan namang nakakulong ang mga suspek sa Midsayap PNP matapos maisampa ang kaso laban sa kanila kahapon sa Kidapawan City.

vuukle comment

ANG

AYON

BARANGAY POBLACION

BARANGAY REBUKEN

GENERAL SANTOS CITY

GILBERT TUZON

HOWELL SOLEDAD DEQUITA

KIDAPAWAN CITY

LUCENA SINGCO

MGA

MIDSAYAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with