^

Bansa

Bakanteng lupa sa MM, pinaiimbentaryo

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbentaryo ng isang kongresista sa gobyerno ang lahat ng natitirang idle lands o bakanteng lupa sa buong Metro Manila.

Ito ay upang matukoy kung saan pa maaa­ring pagtayuan ng bahay at masolusyunan ang housing backlog sa urban areas.

Ito ang nakasaad sa Memorandum Circular #87 ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na solusyunan ang housing backlog sa Metro Manila na nakapaloob sa Republic Act 7279 o “Urban Development and Housing Act”.

Sa ilalim nito, kinakailangang magsumite sa bubuuing Inter-Agency Task Force ng inventory o listahan ng mga idle lands o bakanteng lupa na pagmamay-ari o nasasakupan ng mga ahensya ng gobyerno upang magamit para sa pagtatayo ng pabahay.

Kabilang sa mga pinagsusumite din ng inventory ng idle lands ay mga government-owned or controlled-corporations habang ang DILG sa pamamagitan ng LGUs ay magsasagawa din ng inventory sa mga lungsod na nasasakupan.

Ilan sa mga kategorya ng idle lands ay mga lupang pagmamay-ari ng gobyerno na hindi nagagamit sa loob ng sampung taon; mga lupang may nakatayong gusali o istraktura na pagmamay-ari ng pamahalaan na maaaring gamitin para sa socialized housing.

Gayundin ang mga lupang kinatitirikan ng mga informal settlers na pagmamay-ari din ng gobyerno.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HOUSE COMMITTEE

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT CHAIRMAN ALBEE BENITEZ

INTER-AGENCY TASK FORCE

ITO

MEMORANDUM CIRCULAR

METRO MANILA

MGA

REPUBLIC ACT

URBAN DEVELOPMENT AND HOUSING ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with