^

Bansa

Grace-Chiz naghain na rin ng COC

Malou Escudero, Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naghain na rin kahapon ng kanilang certificate of candidacy sina Senators Grace Poe at Chiz Escudero na tatakbong presidente at bise presidente ng bansa.

Kasama ni Poe ang kanyang ina na si Susan Roces samantalang si Escudero ay sinamahan ng asawa na si Heart Evangelista.

“Ang dasal ko sa bayan at sa Panginoon - kung ano man po ang gagawin ko, ito ay para sa mas nakararami,” ayon kay Poe.

 Muli nitong inihayag ang paniniwala na hindi lamang dapat karanasan ang batayan ng pamumuno kung hindi tapat na puso na manilbihan sa mga mamamayan.

Sinabi naman ni Escudero na layunin niya na magkaroon ng “pamahalaang may pakiramdam at may nararamdaman”

Layunin din umano nila ni Poe na “ipagpatuloy kung ano ang tama, punuin kung ano ang kulang, at wastuhin ang mali sa ating lipunan.”

Kinumpirma ng tambalang Poe-Escudero na kompleto na ang kanilang senatorial line-up para sa 2016 elections.

Pero ayon kay Poe ay maaring sa susunod na linggo pa nila i-anunsyo ang buong line-up, bagamat kanya-kanya na silang naghain ng CoC.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

KASAMA

KINUMPIRMA

LAYUNIN

MULI

NAGHAIN

SENATORS GRACE POE

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with