^

Bansa

Junjun tatakbo pa ring mayor ng Makati

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatakbo pa ring alkalde ng lunsod si Makati Mayor Junjun Binay sa halalan sa 2016 kahit inutos ng Ombudsman ang pagtanggal sa kanya sa serbisyo at ang habambuhay niyang diskuwalipikasyon sa tanggapan ng gobyerno dahil sa mga kasong administratibo na isinampa laban sa kanya.

Sinabi ng tagapagsalita ng media affairs ng Office of the Vice President na si Joey Salgado na si Mayor Junjun na anak ni Vice President Jejomar Binay ay magsasampa ng certificate of candidacy nito sa loob ng linggong ito.

Idiniin ni Salgado na hindi mapipigilan ng Ombudsman si Mayor Junjun na kumandidatong alkalde sa 2016 dahil hindi pa pinal ang desisyon ng korte.

“Gusto nilang pigilan ang pagtakbo ni Mayor Junjun. Pero nagkakamali sila dahil hanggang walang final judgement sa kaso, puwedeng tumakbo sa eleksyon si Mayor Junjun Binay,” dagdag ni Salgado.

Gagawin anya ni Mayor Junjun ang mga pagsisikap para mapigilan ang umano’y pang-aabuso at panggigipit ng Ombudsman at ng administrasyon laban sa mga Binay.

“Haharapin ito ni Mayor Junjun at dudulog s’ya sa hukuman para matigil ang pang-aabuso at panggigipit ng Administrasyon. Hindi mapipigilan ng order ng Ombudsman ang pagtakbo ni Mayor Junjun Binay sa 2016 at maglingkod muli sa mga taga-Makati,” dagdag ni Salgado.

“Klarong-klaro ang panggigipit sa pamilyang Binay. Malinaw ang bias at selective justice ng Ombudsman na bahagi ng conspiracy ng mga government agencies kasama ang Senado at ang AMLAC na siraan at gipitin si VP Binay at ang kanyang pamilya dahil lang sa hangad n’ya na maglingkod sa mahihirap,” sabi pa niya. “Bistado na ang Ombudsman. Minadali nito ang order dahil sa Lunes ay magsisimula na ang filing ng CoCs para sa 2016 election. Ni wala pang kopya ng order na natanggap si Mayor. Dismissal by press release ang ginawa ng Ombudsman.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

JOEY SALGADO

JUNJUN

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

MAYOR

MAYOR JUNJUN

MAYOR JUNJUN BINAY

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

SALGADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with