^

Bansa

Grace mag-VP na lang - solons

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos na umangat sa ikalawang pwesto sa isinagawang SWS survey si Mar Roxas, muling hinikayat ng ilang kongresista si Sen. Grace Poe na tumakbong Bise Presidente na lamang sa manok ng administrasyon.

Sinabi nina Quezon City Rep. Bolet Banal at LPGMA partylist Rep. Arnel Ty na hindi lang basta na overtake ni Roxas si Vice President Jejomar Binay kundi kaunti din na lang ang lamang nito kay Poe sa pagka-presidente. Dahil dito kaya hindi pa naman umano huli ang lahat para magdesisyon ang Senadora na tumakbong VP ni Binay. Iginiit pa ni Banal na malayo pa ang kampanya subalit natutuwa ang mga taga Liberal Party (LP) sa naging resulta dahil ibig sabihin umano nito na tumutugon ang mga Pilipino sa panawagan ni Pangulong Aquino na tuwid na daan.

Para naman kay Ty, maaari pang ilaglag ni Poe ang kanyang Presidential aspiration lalo pa at hindi pa naman ito naghahain ng certificate of candidacy.

Bukod dito kailangan umanong maging handang handa si Poe bilang political leader sa pamamagitan ng pagsabak sa Vice Presidential race na tiyak naman umano na unbeatable ito. Bata pa rin naman umano ang Senadora sa edad na 47 at uubra na siyang kumandidato sa pagka Presidente sa 2022 kung kailan ay 53 taong gulang na ito.

Sa isinagawang SWS survey nitong unang bahagi ng buwan ng Setyembre ay nangunguna si Poe na may 47% na 5% ang itinaas sa ratings, pumangalawa si Roxas na may 39% o 18% ang increase sa ratings habang si Binay ay 35% mula sa dating 34% noong June.

vuukle comment

ANG

ARNEL TY

BINAY

BISE PRESIDENTE

BOLET BANAL

GRACE POE

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

PANGULONG AQUINO

QUEZON CITY REP

ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with