Chiz tatakbong VP ni Grace sa 2016
MANILA, Philippines – Ipinakilala ni Sen. Grace Poe ngayong Huwebes si Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang running mate niya para sa eleksyon 2016.
"Hinihingi ko ang inyong suporta para sa maaasahang maninilbihan - ang ating pangalawang pangulo, Sen. Escudero," pahayag ni Poe sa harap ng kanilang mga taga-suporta sa Club Filipino sa Greenhills.
Kahapon ay inihayag ni Poe ang kaniyang pagtakbo bilang pangulo.
Sinabi ni Escudero na may karapatan siyang mangarap para sa mas mataas na posisyon sa kabila ng hindi pagiging miyembro ng kilalang angkan.
“Escudero lamang naman po ang aking pangalan at hindi kasing bantog ng ibang pangalan tulad ng Quezon,Roxas at Osmena,” pahayag ng senador.
Hindi ako makakasangayon sa sinabing wala akong karapatan mangarap at mag-ambisyon.”
BASAHIN: Talumpati ni Grace Poe sa pagtakbo sa 2016
Kapwa tatakbo ang dalawang senador bilang independent candidates dahil naniniwala sila na ang kanilang partido ay Pilipinas at ang kanilang kapartido ay ang mga Pilipino.
“Ako po si Chiz Escudero. Tulad ni Grace, tunay na Pilipino,” banggit ni Escudero.
“Ako si Chiz Escudero, buong pagpapakumbaba ko pong inaalay ang aking sarili bilang inyong ikalawang pangulo.”
BASAHIN: ‘Wala na si FPJ:’ UNA umaasa pa rin sa suporta ni Erap kay Binay
- Latest























