^

Bansa

Ethics probe kay Trillanes hingi

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Houseboy, driver ginawang consultant 

MANILA, Philippines – Dapat imbestigahan ng ethics committee ng Senado ang paggamit ni Senador Antonio Trillanes IV sa P1.63 milyong pondo ng bayan kada buwan para suwelduhan ang sarili niyang houseboy at fa­mily drivers at bayaran ang kanyang mga donor na nag-ambag ng pera sa kanyang senatorial election campaign sa pamamagitan ng pagkuha sa mga ito bilang kanyang mga consultant.

Ito ang ipinahayag ng tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay sa pampulitikang usapin na si Atty. Rico Quicho na nagsabi pa na malinaw na unethical, imoral at pang-aabuso sa tungkulin ang paggamit ni Trillanes ng pera ng bayan para sa personal nitong kapakinabangan umano.

“Ang mga taxpayer ang nagbabayad  para sa kanyang mga gastusin sa bahay at sa pagbabayad sa kanyang mga utang,” diin ni Quicho na nagdagdag na nilabag umano ni Trillanes ang Circular No. 85-55-A (Sept. 8, 1985) ng Commission on Audit kaugnay ng mga gastusin ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Quicho, lumilitaw na isa sa 63 consultant ni Trillanes na si Eddie Ybanez ay isang houseboy ng senador na tumatanggap ng P3,500 kada buwan.

Sinabi ni Quicho na, ayon sa mga media report, isinama ni Trillanes sa listahan ng mga consultant nito ang mga family driver ng senador na sina Bernard Allen Marzan at Jay-Ar Caro na sinusuwelduhan ng P11,500 at P8,100 buwan-buwan ayon sa pagkakasunod.

Mga miyembro umano ng Magdalo sina Marzan at Caro at ang 14 na iba pang mga consultant.

Lumilitaw sa mga do­kumento ng Senado na  mahigit sa kalahati ng buwanang badyet na P2.93 milyon para sa tanggapan ni Trillanes ay napupunta umano sa suweldo ng 63 consultant na kinabibilangan ng kanyang mga houseboy, family driver, media worker, campaign donor, ex-mutineer friends at isang kapatid na tumatanggap ng P71,200 kada buwan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BERNARD ALLEN MARZAN

CIRCULAR NO

EDDIE YBANEZ

JAY-AR CARO

MGA

QUICHO

RICO QUICHO

SENADO

TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with