^

Bansa

Sen. Poe, Erap nanguna sa misa sa 76th b-day ni FPJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Sen. Grace Poe at Manila Mayor Joseph Estrada ang misa kaugnay sa paggunita sa ika-76 kaarawan ng yumaong action king na si Fernando Poe Jr. sa North Cemetery kahapon ng umaga.

Dumating din ang maybahay na si Susan Roces kung saan sinaksihan ang candle lighting at wreathlaying sa puntod ni Da King.

Sa maiksing talumpati, sinabi ng senadora na si FPJ ang nagturo sa kanya na magkaroon ng purpose sa buhay, tumulong sa mga nangangailangan at ma­ging tapat.

Ayon naman kay Estrada, walang makakapantay sa pagkakaibigan nila ni Da King dahil kaya nilang ialay ang kani-kanilang mga buhay sa isa’t isa.

Si FPJ ay isinilang noong August 20, 1939 at pumanaw noong December 2004, ilang buwan makaraang matalo sa presidential elections.

Ginawaran ito ng posthumous na National Artist Award.

vuukle comment

ACIRC

AYON

DA KING

DUMATING

FERNANDO POE JR.

GINAWARAN

GRACE POE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

NATIONAL ARTIST AWARD

NORTH CEMETERY

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with