^

Bansa

Rep. Leni tatakbong VP ni Roxas kung...

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatakbo si Camarines Sur Rep. Leni Robredo bilang running mate ni DILG Secretary Mar Roxas sa 2016 Elections kung siya ay ‘indispensable.’

Sinabi ni Robredo sa radio interview na sasabak siya bilang ka-tandem ni Roxas kung indispen­sable siya o kailangang-kailangan ng Liberal Party (LP).

Subalit sa ngayon umano ay hindi niya opsyon ang pagsali sa Vice Presidential race, lalo’t may mga mas mahuhusay, mas handa at mas popular kaysa sa kanya.

“Mahirap sabihin kasi hindi talaga opsyon. Si­guro (tatakbong Vice President) kung indispensable ako! Pero ngayon kasi, hindi ko nakikita na darating yung punto na yun,” ayon pa kay Robredo.

Kung mayroon naman umanong makakapagpabago ng pasya ng kongresista sa ngayon ay kung katulad ito ng nangyari noong 2010 elections.

Noong 2010 ay ayaw umano talaga nitong kumandidato subalit dumating sa puntong indispensable siya at sumubok hanggang sa nanalo bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.

Dagdag pa ni Robredo na usap-usapan lamang ang pagiging running mate niya kay Roxas at sa katunayan ay walang pang pormal na alok, lalo na mula kay Pangulong Aquino.

 

vuukle comment

ACIRC

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR REP

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

PANGULONG AQUINO

ROBREDO

ROXAS

SECRETARY MAR ROXAS

VICE PRESIDENT

VICE PRESIDENTIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with