^

Bansa

Lola na top leader ng CPP-NPA, timbog!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya habang nagpapasasa sa marangyang buhay ang isang lola na mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa isinagawang operasyon sa bayan ng Molo, Iloilo kahapon ng umaga.

Kinilala ni AFP-Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato ang nasakoteng CPP-NPA lider na si Maria Concepcion Bocala, 64 anyos na gumagamit ng mga alyas na Ka Etang at Ka Concha at tumatayong Secretary General ng Komite Rehiyonal Panay.

Dinakip si Bocala dakong alas-6 ng umaga ma­tapos i-tip ng informer ng militar sa magarbo nitong tahanan sa Juntalo Subdivision, Brgy. Calumpang, Molo, sa bisa ng dalawang warrant of arrest sa kasong murder at rebelyon.

Ayon kay PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief P/Director Benjamin Magalong, si Bocala ay may patong sa ulong P7.8 milyon.

Kasama nitong na­aresto ang pamangking si Joseph Cariaga at ang katulong na si Annielyn Soldevilla.

Nasamsam mula sa pag-iingat ni Bocala ang isang fragmentation grenade, isang cal. 45 pistol, isang cal 22, mga bala, 13 piraso ng sari-saring uri ng cellphone, laptop at mga subersibong dokumento.

Samantala, nahaharap din sa karagdagang kaso si Bocala kaugnay ng paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms Law.

Pinapurihan naman ni AFP Chief Gen. Hernando Iriberri si Col. Eric Uchida, Commander ng Army’s 301st Infantry Brigade sa matagumpay na pagkakaaresto kay Bocala.

Wika ni Iriberri, dumanas ng malaking dagok ang komunistang grupo sa pagkakasakote sa isa na naman nilang mataas na opisyal. Nasa kustodya na ng Region VI-CIDG si Bocala.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNIELYN SOLDEVILLA

BOCALA

CHIEF GEN

CHIEF P

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

COMPREHENSIVE FIREARMS LAW

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

ERIC UCHIDA

HERNANDO IRIBERRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with