^

Bansa

BI: Murad, Iqbal posibleng gumagamit ng ibang pasaporte

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posible umanong gumagamit ng ibang pangalan sa kanilang pasaporte sina Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Al Haj Murad at chief peace negotiator nito na si Mohagher Iqbal. 

Ayon kay Bureau of Immigration (BI)spokesperson Elaine Tan, wala silang naitatalang pagbiyahe ng dalawa. 

Sinabi ni Tan na negatibo ang resulta ng travel records ng dalawa na nangangahulugang hindi talaga bumiyahe sa labas ng bansa sina Murad at Iqbal o kaya nama’y gumagamit ang mga ito ng ibang pangalan sa kanilang pasaporte. 

Kamakailan, naglabasan ang mga alegasyong gumagamit ng Malaysian passport ang dalawa dahil pareho umanong Malaysian citizen ang mga ito. 

Mariin naman itong itinanggi ng MILF. 

Kasalukuyang nasa proseso ng usapang pang­kapayapaan ang MILF at gobyerno ng Pilipinas kung saan nilalayong magtatag ng isang autonomous Bangsamoro region kapalit ng umiiral na Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

 

vuukle comment

AL HAJ MURAD

AUTONOMOUS REGION

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

ELAINE TAN

MOHAGHER IQBAL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with