^

Bansa

2 Salisi Gang, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang miyembro ng notoryus na Salisi Gang ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya matapos biktimahin ang isang tindero ng bigas sa Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Supt. Bernabe Balba, director ng Rizal Provincial PNP ang dalawang suspek na sina Jayson Calaminos, 19, ng Alaminos Street, Barangay Santolan sa Pasig City; at Warren Morillo, 23, ng Barangay Dela Paz, Pasig City.

Ang pagdakip sa dalawa ay bunsod ng reklamo ng biktimang si Ferdinand Barientos, 32, tindero ng bigas sa Antipolo Public Market.

Sa reklamo ni Barientos, sinabi nito na dakong alas-6:45 ng umaga ay lumapit sa kanya si Calaminos at nagsabing bibili ng 20-kilong bigas sabay abot ng P1,000 bayad.

Habang nagtatakal na ang biktima ay biglang nagbago ang isip ng Calaminos at sinabing brown rice na lamang ang bibilhin pero walang ganung paninda ang biktima kaya binawi ng suspek ang kanyang pera at iniabot sa kanyang kasama na si Morillo.

Pinalitan naman ni Morillo ng P100 ang isinoling P1,000 kaya nagkaroon ng pagtatago at iginiit ng bik­tima na isang libo ang kanyang ibinalik.

Habang aktong nagtatalo ay dumating ang kamag-anak ng biktima at sinabing modus ng dalawa ang ganung pangloloko kaya ipinaaresto.

vuukle comment

ALAMINOS STREET

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO PUBLIC MARKET

BARANGAY DELA PAZ

BARANGAY SANTOLAN

BERNABE BALBA

CALAMINOS

CHIEF SUPT

FERDINAND BARIENTOS

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with