^

Bansa

Taas singil sa tubig uutay-utayin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakahanda ang pamunuan ng Maynilad Waters na utay-utayin ang pagsingil sa taas presyo ng tubig.

Sa press conference sa QC, sinabi ni Randolph Estrellado, hepe ng Finance department ng Maynilad, maaari nilang gawing staggered basis o utay-utay ang pagsingil sa taas presyo ng tubig mula sa kanilang 8.8 milyong water customers.

Binigyang diin ni Estrellado na maaari nilang hatiin sa loob ng tatlong taon ang taas singil ng Maynilad matapos na aprubahan ng arbitration panel ng MWSS ang kanilang hirit na P3.06 per cubic meter.

Gayunman, nilinaw nito na ang sistema sa pagsingil sa taas presyo ng tubig ay depende pa rin sa magiging approval ng MWSS board.

Sa kasalukuyan anya ay wala pa namang naitakdang araw ang board kung kailan maipatutupad ang water rate hike pero sigurado silang magaganap ito ngayong taon.

vuukle comment

BINIGYANG

ESTRELLADO

GAYUNMAN

MAYNILAD

MAYNILAD WATERS

NAKAHANDA

PAGSINGIL

PRESYO

RANDOLPH ESTRELLADO

TAAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with