^

Bansa

P2-B Hub sa Palayan City, itatayo

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

PALAYAN CITY, Nueva Ecija , Philippines – Aabot sa 13,000 trabaho ang maipagkakaloob sa mga Novo Ecijano, lalong lalo na sa mga Palayanos sa sandaling magsimula at magbukas ang itatayong “Palayan City Business Hub (PCBH)” sa 3-ektaryang lupaing sakop ng Barangay Singalat sa Nueva Ecija.

Sa idinaos na ground breaking ceremony, na­ging punong abala si City Mayor Adrianne Mae Cuevas sa mga naging panauhin na kinabibilangan ni Nueva Ecija Governor Aurelio Umali at mga opisyal ng MTD Philippines, subsidiary ng Malaysian conglomerate na Alloy MTD na pinamumunuan ng kanilang chief exe­cutive officer na si Dato Azmil Khalili, at MTD Philippines president Isaac David.

Ayon kay Mayor Cuevas, naging instrumento sa pakikipag-ugnayan sa grupong ng Malaysia ang kabiyak na si Sir Bong, upang mahikayat na pumasok sa pakiki­pagsosyohan sa pamahalaang panlalawigan.

Sa pagharap sa mga mamamahayag ng Nueva Ecija, tinuran ng lady mayor na ang loteng pagtatayuan ng PCBH ay donasyon ng pamahalaang panlunsod at pagtutulungang ma­itayo ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija at ng MTD sa loob ng 15-buwan na magsisimula ngayong Enero 2015.

Ayon pa kay Mayor Cuevas ang PCBH ay magsisilbing  Nueva Ecija Government Center, dahil malilipat na rito ang karamihan sa mga tanggapan ng pamahalaang nasyonal at panlalawigang mula sa Old Capitol site sa Cabanatuan City. Magkakaroon din sa PCBH ng sarili nitong Central Business Park.

Aabot naman sa 10,000 call center agents ang mabibigyan ng hanapbuhay at 3,000 iba pang trabaho.

vuukle comment

AABOT

AYON

BARANGAY SINGALAT

CABANATUAN CITY

CENTRAL BUSINESS PARK

CITY MAYOR ADRIANNE MAE CUEVAS

DATO AZMIL KHALILI

MAYOR CUEVAS

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with