^

Bansa

Tips vs piccolo poisoning

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa mapanganib na ‘piccolo’ na paborito ng mga bata.

 Ayon sa DOH, hindi lamang panganib na maputukan ng piccolo kundi maaari ring makamatay ito kapag nalunok ng bata.

Sinabi ng DOH, ang piccolo ay nagtataglay ng yellow phosphorus, na maaaring maging sanhi ng kamatayan kung makakalunok ng mula 50 hanggang 100 mg nito.

“Piccolo is very poisonous because it contains the substance yellow phosphorus. The estimated human lethal dose is 50 to 100 milligrams,” anang advisory ng DOH kung saan ay sinabing senyales ng piccolo poisoning ay burns at pagsusuka.

Sakali naman uma­nong makumpirmang nakalunok ng piccolo ang isang indibidwal ay dapat na bigyan ang bata ng 6 hanggang 8 hilaw na puti ng itlog, habang walo hanggang 12-puti naman ng itlog para sa mga matatanda.

Sakali naman uma­nong tamaan o malagyan ng piccolo sa mata, ay kaagad na hugasan ito ng tubig sa loob ng 15 minuto. Panatilihing bukas ang talukap ng mata.

Yung maapektuhan naman sa balat ay hugasan ng mabuti ang apektadong lugar, alisin ang kontaminadong damit at tiyaking nalabhan ito ng maayos bago muling gamitin at kung naka­singhot naman ng piccolo ay hayaan lamang makalanghap ng sariwang ha­ngin ang biktima at maging kumportable.

Sa lahat ng pagkakataon, tiyaking matapos na mabigyan ng first aid ang mga pasyente ay kaagad na kumonsulta sa doktor o pagamutan upang mabigyan ang mga ito ng kaukulang lunas.

 

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

NAGBABALA

NAMAN

PANATILIHING

PICCOLO

SAKALI

SINABI

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with