^

Bansa

Veterans nilisan na ni CGMA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilisan na ni da­ting Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ganap na alas 10:17 kahapon ng umaga.

Isang convoy ang naghatid kay Mrs. Arroyo sa kanyang tahanan sa La Vista, QC kung saan siya magdiriwang ng apat na araw na Christmas furlough na naibigay dito ng Sandiganbayan nga­yong Pasko.

Si Ginang Arroyo ay sakay ng isang kulay puti na minibus na iniskortan ng motorcycle-riding police personnel at police vehicles.

Una nang pinayagan ng Sandiganbayan si Mrs Arroyo na magdiwang ng Pasko mula kahapon, December 23 ng alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon ng December  26 para makasama ang kanyang pamilya sa naturang okasyon.

Tanging for humanitarian reason lamang ang rason ng graft court sa ginawang pagpayag kay Arroyo na makalabas sa pagka-hospital arrest sa Veterans Hospital.

Si Arroyo ay nakulong dahil sa kasong plunder at graft kaugnay ng umano’y maanomal­yang paggamit sa P366 milyong intelligence funds ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) nung siya pa ang Pangulo ng bansa.

vuukle comment

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

LA VISTA

MRS ARROYO

MRS. ARROYO

PAMPANGA REP

PANGULO

PASKO

PHILIPPINE CHA

QUEZON CITY

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with