^

Bansa

10-taon kulong sa dating Leyte mayor, 3 pang opisyal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatunayang nagkasala ang isang dating alkalde sa probinsya ng Leyte at tatlo pang lokal na opisyal dahil sa iregular na pagbili ng heavy equipment noong taong 2005.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Efren dela Cruz, bukod sa 10-taon na pagkakulong ay pinagbawalan na rin ng Sandiganbayan na mabigyan ng kahit anong posisyon sa gobyerno si dating Tunga Mayor Amando Aumento Sr., municipal accountant Lea Requiez, municipal treasurer Julita Falguera at Alejo Costelo, tagapangulo ng Bids and Awards Committee ng lokal na pamahalaan.

Napatunayang nagkasala ang naturang mga opisyal sa kasong graft.

Pinawalang sala naman ng Sandiganbayan sina Aumento, Requiez at Falguera sa kasong malversation through falsification.

Inabswelto naman ng korte sa graft case si Joshua Rey Garrido, ang suplayer ng heavy equipment, dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Ayon sa rekord ng korte, bumili ang lokal na pamahalaan ng Tunga noong Agosto 17, 2005 ng farm tractor sa halagang P1.1 milyon sa pamamagitan ng direct contracting.

Sa pagsisiyasat ng Commisyon on Audit, nadiskubreng walang ginawang competitive bidding ang mga lokal na opisyal ng Tunga. Nalaman din na mismong ang dating alkalde pa ang tumayong requisitioning officer at canvasser sa naturang proyekto.

"The Court is of the view right from the start, the accused did not contemplate public bidding as mode of acquisition...the accused decided to buy the (farm tractor) on the same day the BAC called and held a pre-bid conference," anang korte.

vuukle comment

ALEJO COSTELO

ASSOCIATE JUSTICE EFREN

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

JOSHUA REY GARRIDO

JULITA FALGUERA

LEA REQUIEZ

NAPATUNAYANG

SANDIGANBAYAN

TUNGA

TUNGA MAYOR AMANDO AUMENTO SR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with