Presyo ng petrolyo roll back ulit
MANILA, Philippines -- Muling bumaba ang halaga ng krudo ngayong Martes ng umaga.
Nagtapyas ng P1 kada litro sa gasolina ang Petron, Shell at Seaoil kaninang 12:01 ng madaling araw, habang P.35 naman sa diesel at P.15 sa kerosene.
Ganito rin ang ibinaba ng halaga ng gasolina at diesel ng Phoenix Petroleum, PTT Philippines at Eastern Petroleum.
Ang muling pagbaba ng halaga ng krudo ay bunsod ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
Nananawagan naman ang iba't ibang grupo ng commuters na muling ibalik ang pasahe sa jeep sa P8 dahil sa sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng petrolyo.
- Latest