^

Bansa

73 sekyu ipinoste sa mga gate ng Camp Crame

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinoste na ang 73 Security Guard (SG)  sa apat na gate ng Camp Crame, ang punong himpilan ng Philippine National Police (PNP) na matatagpuan sa Quezon City.

Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, Chief ng PNP Public Information Office,  ang hakbang ay una ng inianunsyo ni PNP Chief Director General Alan Purisima upang makatipid ng pondo ang PNP.

Bukod dito ay upang mas mapaigting pa ang police visibility at pagpapatrulya  partikular na sa mga crime prone areas sa Metro Manila.

Sinabi ni Mayor na inum­pisahan ng PNP ang pagtatalaga ng mga security guards sa gate ng Camp Crame nitong Nobyembre 8 hanggang sa makumpleto ito kahapon.

Inihayag naman ni Chief Supt. Albert Supapo, Acting Director ng PNP Headquarters and Support Service ang naturang mga security guards ay naatasan ding magbantay sa iba pang pasilidad sa Camp Crame.

Kabilang dito ay ang Officer’s Row Gate (1SG), Transformation Oval Parking (1SG), NHQ Lobby (1SG and 1Lady Guard), NHQ Back Parking (1SG), NHQ North Wing (1SG), at NHQ South Wing (1SG) habang ang apat pang security guards  ay bilang mga ‘roving guards ‘.

Ayon kay Supapo, tatlong araw na isinailalim sa briefing  o dalawang araw bago ang deployment ng mga security guards upang magampanan ng mga ito nang mabuti ang kanilang bagong assignment   sa iba’t-ibang lugar sa Camp Crame.

Gayundin sa mga panun­tunan sa gate ng Camp Crame at ang Standard Ope­rating Procedures (SOP) sa tuwing may ibinababang mga alert status.­

 

vuukle comment

ACTING DIRECTOR

ALBERT SUPAPO

AYON

BACK PARKING

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with