^

Bansa

Trillanes vs Binay kasado na sa Nob. 27

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkasundo na ang panig nina Senador Antonio Trillanes IV at Bise Presidente Jejomar Binay para sa kanilang debate na nakatakdang gawin sa Nobyembre 27, ayon sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ngayong Miyerkules.

Sinabi ni KBP President Herman Basbaño sa isang panayam sa telebisyon na nagkita ang mga kinatawan ng dalawang kampo at nagkasundo sa itinakdang araw.

Magaganap ang debate mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, kung saan ang KBP ang tatayong moderator.

Kaugnay na balita: Trillanes may pasabog pa kay Binay bukas

"There will be four propositions," pahayag ni Basbaño na hindi binanggit kung saan gagawin ang debate.

Ayon pa sa KBP president ay kailangang pagkasunduan ang mga paksang pagdedebatehan bago ayusin ang mga patakaran sa susunod na linggo.

Inaakusahan ni Trillanes si Binay na namulsa ng pera ng bayan mula nang maupo ito bilang alkalde ng Makati.

Ilan sa mga kontrobersyal na proyekto umano ni Binay ay ang Makati City Hall parking building II, Ospital ng Makati at Makati Science High School.

AYON

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

MAKATI

MAKATI CITY HALL

MAKATI SCIENCE HIGH SCHOOL

PRESIDENT HERMAN BASBA

SENADOR ANTONIO TRILLANES

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with