^

Bansa

Pananagutan ni Gov. Tallado pinag-aaralan na ng DILG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ng Department of Interiror and Local Government (DILG) ang pananagutan ni Camarines Norte  Gov. Edgardo Tallado dahil sa pagkalat ng nude photos nito kasama ang umano’y kalaguyo nito.

Ayon kay DILG Sec. Mar Roxas, ito ang unang pagkakataong naka-engkuwentro siya ng ganitong iskandalo ng isang gov’t official kaya’t dapat masilip ang panuntunan patungkol dito.

Binigyang diin ng kalihim na kung ang isyu lang ay “marital problem” sa pagitan ng gobernador at asawa nito, hindi niya umano ito panghihimasukan at bahala ang dalawa na mag-usap.

Nitong Lunes ay hu­mingi ng tawad si Tallado sa kaniyang mga nasasakupan sa pagsasabing tao lamang siya na may kahinaan at iginiit na hindi korapsyon ang iskandalong kaniyang kinasangkutan.

Sinasabi ring may sex video si Gov. Tallado at kala­guyo nito na ibinulgar ng misis nitong si Josefina Tallado na tinakasan ang mister sa takot na mapa­tay pa siya ng asawa.

vuukle comment

AYON

BINIGYANG

CAMARINES NORTE

DEPARTMENT OF INTERIROR AND LOCAL GOVERNMENT

EDGARDO TALLADO

JOSEFINA TALLADO

MAR ROXAS

NITONG LUNES

TALLADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with