^

Bansa

P224.5-M kickback ni Revilla giit ng prosecution

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinanindigan ng prosekusyon na mula sa illegal na aktibidad ang umanoy P224.5 milyon ni Sen. Ramon Revilla Jr. na sinasabing kickback nito mula sa kanyang PDAF na inilagay sa pekeng NGO ng negosyanteng si Janet Napoles.

Ito ay makaraang magsampa ang prosekusyon kahapon ng motion for notice of garnishment sa Sandiganbayan 1st division  upang mapangasiwaan ng korte ang naturang pondo habang dinidinig ang kaso ng naturang senador.

Ang pagsasampa naman ng prosekusyon ng mosyon ay bunga na rin ng ulat ng AMLC na wala silang nakitang bank deposits ng senador na nagmula sa NGO ni Napoles o galing man kay Napoles.

Ang  garnished properties ay maaaring  cash, lupain o shares of stocks.

Ang notice of garnishment ay isang legal notification na naisisilbi sa  third party para pigilan, pangasiwaan ng korte  ang anumang ari arian o pera ng isang nasasakdal na dinidinig ang kaso.

Kapag nakapagpalabas  ng notice ang korte, ang naturang pondo ni Revilla ay mailalagak sa garnished assets ng  pamahalaan at kapag napatunayang mula ito sa illegal na paraan ay maari itong mapakinabangan ng taumbayan.

vuukle comment

JANET NAPOLES

KAPAG

KORTE

NAPOLES

PINANINDIGAN

RAMON REVILLA JR.

REVILLA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with