^

Bansa

Lipulin ang rapists!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinalampag ng Ga­b­riela Women’s Partylist ang gobyernong Aquino para lipulin ang mga rapist na gumigimbal ngayon sa mga unibersidad at ibang paaralan.

Ang panawagan ay kasunod ng paggahasa sa isang menor de edad na estudyante ng UP Los Baños.

Giit ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus, tatlong taon na ang lumipas matapos ang panggagahasa at pagpatay kay Given Grace Cebanico ng UPLB subalit hanggang ngayon ay wala pa ring katarungan para sa biktima.

Ngayon ay panibagong krimen na naman ang nangyari sa loob ng campus at nababahala ang kongresista na mauulit na naman ito kung hindi kikilos ang pamahalaan para tugisin ang mga masasamang loob at bigyang proteksyon ang mga estudyante.

Isinisi ng kongresista ang mababang budget na inilalaan ng gobyerno sa mga state universities and colleges dahilan kaya mababa ang uri ng pasilidad at serbisyong ibinibigay sa mga estudyante.

Sa impormasyon ng Center for Women’s Resources (CWR), ang sexual crime data mula sa PNP ay underreported dahil sa mga pagbabanta sa mga rape victim na siyang dapat na tugunan ng gobyerno.

vuukle comment

AQUINO

EMMI

GABRIELA REP

GIIT

GIVEN GRACE CEBANICO

ISINISI

LOS BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with