^

Bansa

DOJ gusto na ring sumali sa imbestigasyon vs Binay

Doris Borja/Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Plano na rin ng Department of Justice (DOJ) na makialam sa mga alegasyon na ibinabato laban kay Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, maaring magsagawa ng pagsisiyasat ang DOJ sa pama­magitan ng National Bureau of Investigation kaugnay ng mga akusasyon laban sa bise presidente. Ito’y sa kabila ng pag-amin ni de Lima na wala pa silang batayan para isagawa ang preliminary investigation.

Naghihintay din umano ang DOJ sa official request mula sa Senado para magsagawa ng imbestigasyon, bagamat tiniyak ng kalihim na kahit wala ang request ng kapulungan ay tatalakayin nito ang usapin kasama ang NBI.

Kabilang daw sa kanilang ikokonsidera sa pagpasya na magsagawa ng imbestigasyon ay ang nakabinbin na kasong plunder at graft ni Binay sa Ombudsman bunsod ng pagkakasangkot sa umano’y maanomalyang Makati carpark building.

Aminado si de Lima na habang bumibigat ang akusasyon at lumalabas ang mga ebidensya ay interesado silang manghimasok sa imbestigasyon.

Sa pagdinig ng Se­nate blue ribbon sub-committee kamakalawa ay idinetalye ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na ang mga kinikita ng pamilya Binay sa overpricing projects sa lungsod ng Makati ay siya namang ginagastos sa improvements ng 350 hectares na hacienda ng bise presidente sa Rosario, Batangas.

Ibinunyag ni Mercado ang nilalaman ng P1.2 billion na “Hacienda Binay” ay may magagarang mansyon, swimming pool, orchids garden, 40-car garage staffhouse, air-conditioned piggery farm, fighting cock farm, man-made lagoon, horse farm at maraming iba pa.

Bukod pa rito ang mga magagarang mansyon ng pamilya Binay sa Tagaytay.

Ayon sa tagapagsalita ni Binay na si Cavite Gov. Jonvic Remulla, walang maipapakitang ebidensya si Mercado na magpapatunay na kay Binay ang tinukoy na ari-arian sa Batangas.

 

AYON

BATANGAS

BINAY

CAVITE GOV

DEPARTMENT OF JUSTICE

HACIENDA BINAY

JONVIC REMULLA

JUSTICE SEC

MAKATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with