^

Bansa

Binay handa sa lifestyle check

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Bise-Presidente Jejomar Binay na malalagpasan niya ang mga ibinabato sa kanyang batikos at isa sa mga paraan upang makamtan ito ay ang pagpapasailalim sa lifestyle check.

Sinabi ni Binay sa isang ulat sa radyo na handa sila ng kanyang pamilya na imbestigahan upang mapatunayan na wala silang kinakamkam na pera ng bayan.

Nahaharap si Binay at ang kanyang anak na si Makati Mayor Junjun Binay sa kasong plunder dahil sa umano'y overpriced na Makati City Hall II parking building na anila'y “world class.”

Samantala, sinabi ng bise-presidente na iniisip pa niya kung haharap siya sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang gusali.

Nitong Huwebes lamang ay nagtalumpati si Binay upang malinis ang kanyang pangalan.

vuukle comment

BINAY

BISE-PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

KUMPIYANSA

MAKATI CITY HALL

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

NAHAHARAP

NITONG HUWEBES

SAMANTALA

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with