^

Bansa

Makati probe panglihis sa DAP isyu?

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kumbinsido si Uni­ted Nationalist Alliance (UNA) secretary general Toby Tiangco na ang ginagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa Makati City Hall Building 2 ay isang “pre-meditated set-up” para ilihis ang isyu sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na kinasasangkutan umano nina Senador Alan Peter Cayetano at Sonny Trillanes.

Ani Tiangco, sina Cayetano at Trillanes ay ginagamit ang Makati issue upang ibaling ang atensyon laban kay Vice President Jejomar Binay at sa kanyang pamilya.

Ayon pa kay Tiangco, hindi niya maintindihan kung bakit mas inaatupag ng Blue Ribbon Sub-commitee ang lokal na isyu tulad ng sa Makati gayung mas maraming malalaking national issue na dapat iprayoridad ng komite tulad ng imbestigasyon sa DAP at ang multi-bilyong Malampaya Fund scam.

Nagtataka rin siya dahil hindi pa rin sinisimulan ng Blue Ribbon ang pagdinig sa Malampaya fund na tila inuupuan lamang ni Sen. TG Guingona ng mahigit na sa isang taon.

Sa rekord ng Senado may pitong (7) hearing ang nagawa ng Blue Ribbon para sa P10 bilyon Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam, at wala naman ni isa sa Malampaya scandal.

Hindi na raw magtataka si Tiangco kung paabutin ng mga ito ang imbestigasyon hanggang 2016 at maitatala ito sa World Almanac bilang longest-running inquiry sa kasaysayan ng mundo.

“Halos linggu-linggo eh may pinapatawag na imbestigasyon ang Blue Ribbon, samantalang ang Malampaya nakatengga. At nakita naman ng tao kung paano nila pinaikot ang imbestigasyon sa DAP,” aniya.

Para kay Tiangco napapaghalata tuloy na ang taong nag-iimbestiga sa Makati Hall Building 2 ay may personal at politikal na motibo.

Ayon pa sa kongresista, “Ang nangyayari dito sa imbestigasyon eh hindi na in aid of legislation kundi in aid of presidential ambition na.” 

vuukle comment

ANI TIANGCO

AYON

BLUE RIBBON

BLUE RIBBON SUB

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

MAKATI

MAKATI CITY HALL BUILDING

MALAMPAYA

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with