^

Bansa

Bank records ni Luy, 4 pa pinapiprisinta ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pumayag na ang Sandiganbayan Fifth Division na maiprisinta ang bank records ni whistleblower Benhur Luy at iba pang saksi sa pork barrel scam case.

Ito’y makaraang i-subpoena ng graft court ang mga representatives ng walong bangko para dumalo sa pagdinig ng korte at iprisinta ang bank records ni Luy at kanyang mga magulang na sina Arthur at Gertrudes Luy at mga saksi sa kaso na sina Merlina Suñas at Marina Sula.

Ang mga pinapadalo ng Sandiganbayan sa pagdinig ay ang mga representatives ng UCPB, BDO, Metrobank Corp., Land Bank of the Philippines, PSBank, Metropolitan Bank and Trust Company, BPI at Citibank.

Ang subpoena ay bilang tugon sa mosyon ng kampo ni Napoles na maiprisinta ang bank records ng mga nabanggit upang ma-examine ito at mapatunayan ang alegasyon na ang mismong mga witnesses sa kaso ang nagbulsa sa pera na mula sa pork scam.

Kinumpirma naman ng abogado ni Luy na si Atty. Raji Mendoza na si Luy ay may 19 bank accounts.

 

vuukle comment

GERTRUDES LUY

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

LUY

MARINA SULA

MERLINA SU

METROBANK CORP

METROPOLITAN BANK AND TRUST COMPANY

RAJI MENDOZA

SANDIGANBAYAN FIFTH DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with