^

Bansa

Napoles nasa Bicutan na

Lordeth Bonilla, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakulong na sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Bago mag-alas-12:00 kahapon ng madaling araw ay nailipat na sa female dormitory ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Napoles mula sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Biyernes ng ilabas ng Sandiganbayan 3rd division ang kautusan nito na ilipat si Napoles sa Bicutan ngunit hindi agad ito naipatupad dahil humingi pa ng paglilinaw ang PNP at BJMP kung aling commitment order ang kanilang susundin.

Dahil hindi tinutulan ng Makati City RTC ang utos ng Sandiganbayan kaya tuluyan nang naipatupad ang paglilipat ng selda kay Napoles. Si Makati RTC Branch 150 Presiding Judge Elmo Alameda ang unang naglabas ng commitment order para ikulong si Napoles sa Fort Sto. Domingo kaugnay sa kasong serious illegal detention na kinakaharap nito.

Sinabi ni BJMP spokesman Insp. Aris Villaester na pansamantalang ilalagay muna sa isolation room si Napoles at isang linggo ito mananatili bago tuluyang ilipat sa normal na kulungan.

Tanging kahoy na kama lamang ang magiging higaan ni Napoles at ceiling fan ang gamit nito na karaniwang ginagamit ng pangkaraniwang bilanggo.

Sa regulasyon naman ng pagdalaw dito, sinabi ng BJMP na magpapatupad sila ng paghihigpit at tanging ang mga abogado lamang ni Napoles ang maaaring bumisita ng 24-oras.

Maglalagay ng schedule para sa mga kaanak at kaibigang nais bumisita sa selda nito.

Isinailalim na rin si Napoles sa booking procedures kung saan kinunan itong muli ng mugshot at finger prints. Sa medical check-up ay naitala naman sa 130/90 ang blood pressure ni Napoles.

vuukle comment

ARIS VILLAESTER

BICUTAN

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP BAGONG DIWA

DOMINGO

FORT STO

JANET LIM-NAPOLES

MAKATI CITY

NAPOLES

PRESIDING JUDGE ELMO ALAMEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with