^

Bansa

Pinoy utas sa banggaan sa Malaysia

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Pinoy ang kabilang sa apat na kataong nasawi matapos na salpukin ang kanilang sinasakyang taxi ng isang four-wheel drive (4WD) vehicle habang  bumabagtas sa Sandakan, Malaysia, iniulat kahapon.

Kinilala ang Pinoy na nasawi na si Pedro Pajimola Jr., 36, isa sa mga pasahero ng taxi. Nasawi umano habang ginagamot sa Duchess of Kent Hospital ang nasabing Pinoy bunga ng matinding mga sugat sa katawan.

Idineklara namang dead-on the spot ang taxi driver na si Salah Bin Ibno, 64, at kanyang iba pang mga pasahero na sina Kee Kwok Edein, 63,  tubong Hong Kong at Jaafar Kasim, 40.

Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital ang mga sakay ng 4WD na nakabanggaan ng taxi  na kinabibilangan ng 24-anyos na lalaking driver, at dalawang babaeng pasahero na pawang matinding nasugatan subalit nasa stable na umanong kondisyon. 

Base sa report,  naganap ang aksidente dakong alas-5:30 ng hapon noong Sabado sa may Mile 21, Jalan Labuk, Sandakan habang patungo ang 4WD sa Sandakan town at pumasok sa kabilang linya ng daan na naging dahilan umano ng ma­tinding  banggaan.

 

vuukle comment

DUCHESS OF KENT HOSPITAL

HONG KONG

ISANG PINOY

JAAFAR KASIM

JALAN LABUK

KEE KWOK EDEIN

PEDRO PAJIMOLA JR.

PINOY

SANDAKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with