^

Bansa

Pinoy nawawala sa barko

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela sa pamahalaan ang pamilya ng isang tripulanteng Pinoy na misteryosong nawala habang lulan ng barko at naglalayag sa East China Sea patungong North China.

Sa pamamagitan ng Facebook, humingi ng assistance sa Department of Foreign Affairs (DFA), Office of the President at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sina Pamela Zabal-Lontoc at Dennis Zabal upang maimbestigahan ang pagkawala ng kanilang kapatid na si Philip Jay Zabal, 37, may-asawa at chief cook ng barkong M/V Elpis na nagmula sa Cienfuegos Cuba via Panama patungong North China. Siya ay 9 taon ng chief cook sa barko.

Ang pinakahuling local agency ni Philip Jay ay ang Bright Maritime Corporation habang ang principal ship owner nito ay ang Kon-Quest na nakabase sa Greece. 

Sa e-mail ni Pamela, nakausap nila si Philip Jay noong Hun­yo 28 (Sabado) at nagsabi ang huli na magbibitiw sa trabaho at isusumite ang resignation letter nito sa employer na ang ilalagay na dahilan ay “family issues” upang agad siyang payagang makauwi.

Muli umanong tumawag si Philip Jay at nakausap ang ina sa Pilipinas noong Hunyo 29. Sinabi niyang may taong nagkalkal at nakialam ng kanyang mga gamit at laptop at nagawang makapag-log-in sa Facebook account nito kaya agad niyang tinanong ang pamilya sa Pilipinas kung may kumukontak sa kanila o kung may nag-post sa FB nito nang hindi niya nalalaman.

Pinakahuling tawag ni Philip Jay ay noong Hunyo 30 ng alas-9 ng umaga sa kanyang misis sa Pilipinas na tumagal lang ng dalawang minuto dahil biglang naputol ang kanilang linya. Huling nasabi ng Pinoy ang katagang “Makakauwi pa ba ako?” bago naputol ang linya.

Hulyo 1 ng umaga, nagulantang ang pamilya Zabal nang makatanggap sila ng tawag mula sa shipping agency at sinabing nawawala si Philip sa sinasak­yang barko.  

Sa report ng kapitan ng barko, idineklarang missing si Philip Jay matapos ang paghahanap sa loob ng barko ng alas-7:50 ng gabi noong Hunyo 30.

Isang messman ang magtatapon ng basura nang mapansin nito ang tsinelas ni Philip Jay na nasa “port side” ng upper deck area ng M/V Elpis kaya agad na inireport sa kanilang kapitan.

Dahil dito, iniutos ng ship captain na imaniobra ang barko para sa search and rescue ope­rations at makahingi ng tulong sa pinakamalapit na Coast Guard at boatmen. Gayunman, itinigil ang paghahanap nitong Hulyo 5 ng umaga at hindi pa rin nakita ang nasabing Pinoy.

Naniniwala ang pamilya Zabal na walang dahilan si Philip para tumalon sa barko dahil nagpahayag na siya ng kagustuhang umuwi at makapiling ang pamilya sa Pilipinas.

Dahil dito, hiniling ng pamilya Zabal na maging ang kapitan at lahat ng crew ng barko ay sumailalim sa pagsisiyasat at magbigay ng salaysay.

Sa kabila umano ng pakikipag-kooperasyon ng shipping agency, tanging ang pamilya Zabal ang kumikilos upang tumungo at makipag-ugnayan sa DFA, OWWA at DFA counterparts sa China upang mahanap ang kanilang kaanak at mabatid kung may “foul play” sa insidente.

vuukle comment

BARKO

HUNYO

NORTH CHINA

PHILIP

PHILIP JAY

PILIPINAS

PINOY

V ELPIS

ZABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with