^

Bansa

Driver dedo sa karibal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Selos ang nanaig nang makitang may kahawak-kamay ang dating live-in partner kaya nagawa umano nitong saksakin sa dibdib ang sumulot sa kaniya sa Port Area, Manila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Cresencio Milagrosa Jr., 53, truck dri­ver, hiwalay sa asawa, ng  Block 17, Zone 14,  Baseco compound, Port Area, Manila bunga ng tinamong saksak sa kaliwang dibdib.

Nagtatago na umano ang suspek na kinilalang si Jerson Lastina, ng Cavite City.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejong Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -11:00 ng gabi nang mamataan ng suspek na magkahawak kamay ang dati nitong kinakasama  na si Lyn Tarrago at ang biktima habang naglalakad galing sa isang grocery sa Port Area, Maynila.

Habang papalapit na umano sa madilim na lugar kung saan nag-aabang ang suspek ay bigla nitong nilapitan at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang bik­tima.

Nabatid na nakipaghiwalay umano si Tarrago sa suspek at sumama ito sa biktima at hindi umano ma­tang­gap ito ng suspek.

Nakuha naman sa crime scene ang isang 10-pulgadang kutsilyo na ginamit sa krimen.

vuukle comment

BASECO

CAVITE CITY

CRESENCIO MILAGROSA JR.

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

GLENZOR VALLEJONG MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

HABANG

JERSON LASTINA

LYN TARRAGO

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with