^

Bansa

Huwag puro denial sa pork Solon kay Binay: Magpaliwanag ka!

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat magpaliwanag si Vice-President Jejomar Binay sa halip na pabulaanan ang naglabasang report na nagdadawit sa kanyang pamilya sa umano’y anomalya sa Priority Development Assistance Fund.

Ito ang iginiit ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na nagsabi pa na dapat ipalabas ng kampo ni Binay ang listahan ng mga proyektong pinaggagamitan nila ng PDAF at hindi puro ‘deny” lang.

Ayon kay Rep. Erice, detalyado at masyado ang investigative report na lumabas sa mga pahayagan na nagdedetalye ng paggamit umano ng 12 milyong piso ng PDAF funds ni Makati Rep. Abigail Binay mula 2008 at 2009 para sa KASANIB foundation na miyembro ng board of directors si noon ay konsehal Junjun Binay at pinadaan daw muna sa opisina na noon ay Makati Mayor Jejomar Binay. 2013 naman nang maglaan umano ng 15 milyong pisong PDAF si Rep. Binay sa Gabay at Pag Asa ng Masa Foundation na pinadaan naman daw sa opisina ni Mayor Junjun Binay. Ang Ga­bay at Pag Asa ng Masa foundation ay kasama sa expose na pinangunahan naman ng isang nagnga­ngalang Godofredo Roque.

“Nagtuturo sila pero wala namang basis, ang dapat ay ipaliwanag nila kung saan napunta ang PDAF”, pahayag ni Erice.

Sinabi ng kongresista na pagod na ang taumbayan sa karaniwang katwiran ng mga pulitiko na black propaganda lamang ang mga isyung ipinupukol laban sa kanila.

Inaamin ng mambabatas na hindi matatapos ang isyu laban kay Binay sa PDAF hangga’t wala itong direktang paliwanag.

Katibayan anya, hindi denial ang dapat isagot ni Binay sa mga isyu at bahala na ang taumbayan na humusga kung tatanggapin ang kanyang paliwanag.

Sinuportahan naman ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang hamon ng kongresista, aniya, bilang isang naghahangad na maging pangulo ng bansa ay dapat walang bahid ang pagkatao nito lalo na sa aspeto ng “korupsyon” kaya naman obligasyon umano ni Binay sa taumbayan na patunayan na walang katotohanan ang mga paratang na pagkakasangkot nito sa pork barrel scandal.

 

vuukle comment

ABIGAIL BINAY

ANG GA

ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

BINAY

CALOOCAN CITY REP

EDGAR ERICE

GODOFREDO ROQUE

JUNJUN BINAY

PAG ASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with