^

Bansa

PAGASA: Pinas uulanin sa weekend, pero 'di pa tag-ulan

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magiging maulap ang kalangitan ng kalakhang bansa na may kasamang pag-ulan sa susunod na dalawa o tatlong araw, ayon sa state weather bureau.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical, Services Administration (PAGASA) na makararanas ng maulap na kalangitan ang Metro Manila na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Dagdag nila na ang pananaig ng thunderstorms ay isa sa mga indikasyon na malapit na ang panahon ng tag-ulan.

Samantala, may namataang low pressure area ang PAGASA sa 450 kilometro hilaga-silangan ng Basco, Batanes ngunit maliit lamang anila ang tsansang tuluyang maging bagyo ito.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Chris Perez na maaaring hatakin ng LPA ang hanging habagat papasok ng bansa.

"Dahil may LPA na maaaring ito na yung humatak o magpalakas sa habagat pero hindi pa ito ganun magpapaulan," paliwanag ni Perez sa state news website na Philippine News Agency.

Dagdag niya na maaaring sa susunod na linggo ay makapagdeklara na sila ng panahon ng tag-ulan.

Noong nakaraang taon ay Hunyo 10 nagdeklara ng tag-ulan ang PAGASA.

vuukle comment

BASCO

BATANES

CHRIS PEREZ

DAGDAG

DAHIL

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL

PHILIPPINE NEWS AGENCY

SERVICES ADMINISTRATION

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with