^

Bansa

Misis ng utak sa Aman Futures scam timbog sa Pampanga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit retokado na ang mukha, bigong matakasan ng asawa ng itinuturong utak ng bilyun-bilyong scam na si Manuel Amalilio ang mga awtoridad nang madakip siya sa probinsiya ng Pampanga.

Ayon sa ulat ng dzMM, matapos ang mahigit isang taong pagtatago ay nadakip sa bisa ng arrest warrant si Abigail Pendulas at isang “May Ojales” sa San Fernando, Pampanga.

Ginamit ni Pendulas ang alyas na  Azia De Guzman y Conciliado, dagdag ng ulat.

Nahaharap sa kasong  syndicated estafa si Pendulas dahil sa pagpapatakbo nila ni Amalilio ng Aman Futures.

Libu-libong katao mula Visayas at Mindanao ang naloko ng naturang scam noong 2012.

Kasalukuyang nakakulong sa Malaysia si Amalilio kung saan siya nadakip nitong nakaraang taon.
 

vuukle comment

ABIGAIL PENDULAS

AMALILIO

AMAN FUTURES

AYON

AZIA DE GUZMAN

CONCILIADO

MANUEL AMALILIO

MAY OJALES

PAMPANGA

PENDULAS

SAN FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with