^

Bansa

GSIS gagamit na ng e-billing

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gagamit na ang Government Service Insurance System (GSIS) ng “Electronic Billing and Collection System (eBCS)” para sa mga ahensya ng pama­halaan umpisa ngayong Hulyo.

Gagamitin ang eBCS sa pagtanggap at pagre-­remit ng mga bayarin sa GSIS. Partikular ang “finance o electronic remittance file (ERF) officers o kung sinuman ang naghahanda ng ERF ng isang ahensya.

Sa pamamagitan ng bagong sistema, maaa­ring makapag-download ng GSIS billing statements, makapag-upload ng ERF at marebisa ang “account history” ng mga miyembro. Maaari ring makakuha ng ulat para masuri, ma-update ang mga datos at maitama ang mga mali bago magbayad.

Sa ilalim ng eBCS, magpapadala sa pamamagitan ng email ang GSIS sa mga ahensya na maaari na silang mag-download ng billing statement sa una at ika-15 araw bawat buwan.  Maaari namang mai-upload ang “remittance list” at ikukumpara sa “billing statement”. Puwede na itong bayaran kung magtutugma ang dalawang datos.

Para sa pagbabayad, maaaring ikonekta ang eBCS sa mga bangko na akredito ng GSIS.  Ang mga ahensya naman na wala pang kapabilidad sa teknolohiya ay maaaring magbayad “over the counter” o sa mga bangko.

Inaasahan naman na makakatipid ang pamahalaan ng milyun-milyong pondo na ginagastos sa “pos­tage at courier expenses” habang mas mapapabilis ang transaksyon.

 

vuukle comment

ELECTRONIC BILLING AND COLLECTION SYSTEM

GAGAMIT

GAGAMITIN

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

HULYO

INAASAHAN

MAAARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with