^

Bansa

Cedric, Raz mananatili sa NBI

Doris Borja/Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mananatili sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility sina Cedric Lee at Simeon Raz sa kabila ng commitment order na ipinalabas ni Taguig Regional Trial Court Judge Paz Esperanza Cortez.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, matapos ang pagdinig kahapon, binigyan muna ng pagkakataon ng korte ang kampo ni Lee at Raz na dinggin ang kanilang kahilingan na huwag matuloy ang paglilipat sa kanila ng kulungan.

Ang kahilingan ay ginawa ng kampo ng mga akusado dahil sa usaping pangseguridad.

Nagtakda naman ang hukuman ng pagdinig sa May 6, 2014 para talakayin ang inihaing mosyon ng kampo nina Lee at Raz na patuloy na manatili sa NBI.

Tuloy naman ang  arraign­ment o pagbasa ng sakdal sa dalawang naarestong akusado ngayong araw, ganap na ala-1 ng hapon sa Taguig RTC.

vuukle comment

AYON

CEDRIC LEE

MANANATILI

NAGTAKDA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PROSECUTOR GENERAL CLARO ARELLANO

RAZ

SIMEON RAZ

TAGUIG REGIONAL TRIAL COURT JUDGE PAZ ESPERANZA CORTEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with