^

Bansa

Kada araw, gastos kay Napoles P5K; ordinaryong preso, P54

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinapaimbestigahan sa Senate Blue Ribbon committee ang nagagastos ng gobyerno sa itinuturong pork barrel fund scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Sa Senate Resolution 574 na inihain ni Sen. Miriam Defensor Santiago, iginiit nito na dapat isama sa iniimbestigahan ng komite kung magkano talaga ang public funds na naaaksaya dahil sa paglalagay kay Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna ga­yong dapat ay nakakulong lang ito sa ordinaryong bilangguan.

Umaabot umano sa P5,000 kada araw ang inilalaan ng Philippine National Police para kay Napoles samantalang nasa P54 lamang sa mga ordinaryong preso.

Nasa P150,000 naman ang kabuuang gastos para kay Napoles sa loob ng isang buwan samantalang P1,612 naman sa mga nasa ordinaryong bilangguan.

Kung susumahin umano aabot sa P1.8 milyon ang gagastusin ng gobyerno kay Napoles samantalang P20,000 lamang sa bawat ordinar­yong bilanggo.

Nauna ng iginiit ni San­tiago na dapat ipasa­got kay Napoles ang ginagastos sa kanya ng pamahalaan kung nais nitong manatili sa Fort Sto. Domingo.

Kung wala naman aniyang isisiwalat si Napoles tungkol sa nalalaman niya sa pork barrel fund scam ay walang dahilan para bigyan ito ng special treatment at dapat ay ilipat na sa ordinaryong bilangguan.

vuukle comment

DOMINGO

FORT STO

JANET LIM-NAPOLES

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

NAPOLES

NAUNA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SA SENATE RESOLUTION

SENATE BLUE RIBBON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with