^

Bansa

13th month, Xmas bonus ng gov’t employees ‘di bubuwisan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na bubuwisan ang natatanggap na 13th month pay at Christmas bonus ng mga empleyado ng pamahalaan.

Ito’y sa sandaling maipasa ang House Bill 3974 na inihain nina Rep. Estrellita “Ging” B. Suansing (1st District Nueva Ecija) at Rep. Angelina Tan (4th District Quezon).

Sinabi nina Reps. Suansing at Tan na hindi dapat lagyan ng buwis ang 13th month at Christmas bonus ng mga kawani ng pamahalaan kung ito’y halagang P30,000 lamang.

Layunin ng panukala na magamit ng mga pamil­ya ng mga kawani ang kanilang 13th month pay at Christmas bonus sa panahon ng kapaskuhan kung saan mas mara­ming gastusan at panga­ngailangan.

Ipinanukala rin nina Suansing at Tan na taasan ng mula P 30,000 hanggang P75,000 ang natatanggap na 13th month pay at Christmas bonus ng mga empleyado.

Naniniwala ang da­lawang kongresista na may karapatan ang bawat kawani ng pamahalaan na makatanggap ng sapat na mga benepisyo na naaayon sa batas upang maging disente ang pamumuhay ng bawat empleyado ng gobyerno.

 

vuukle comment

ANGELINA TAN

DISTRICT NUEVA ECIJA

DISTRICT QUEZON

ESTRELLITA

HOUSE BILL

IPINANUKALA

SUANSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with