^

Bansa

Vice Ganda dumepensa kay Vhong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtungo kahapon ng umaga ang TV host/comedian na si Vice Ganda sa Pasig City Prosecutor’s Office para ipagtanggol ang kanyang co-host na si Vhong Navarro sa panibagong rape case na kinakaharap.

Si Vice Ganda o Jose Marie Borja Viceral, 37,  ay nagtungo sa Pasig Prosecutor’s office, ganap na alas-9:30 ng umaga­ upang panumpaan ang kanyang salaysay o affidavit.

Nanindigan si Vice Ganda na nasa concert niya si Vhong noong gabi ng April 24, 2010, taliwas sa akusasyon ng aspiring beauty queen na si Roxanne Cabanero na ginahasa siya ni Navarro noong gabi ng nasabi ring petsa.

Ayon kay Ganda, ginanap ang kanyang concert sa Island Cove sa Cavite habang sa pahayag ni Roxanne ay sinundo siya ni Navarro sa kanyang hotel sa Ortigas.

“In the name of truth, kaya ako nagtungo dito sa piskalya upang sabihin ang buong katotohanan,” pahayag ni Ganda.

Giit pa nito na bago pa man magsimula ang concert hanggang kinabukasan ay nagkasama  sila ni Navarro.

Pinirmahan ni Ganda ang kanyang pahayag at isinumite kay Prosecutor Robinson Landicho para magamit na counter affidavit ni Vhong sa kasong rape na isinampa ni Cabanero sa isasagawang preliminary investigation sa March 13.

Nabatid na patungo ng Amerika si Ganda kaya wala ito sa darating na Marso 13 kaya isinumite na nito ang kanyang affidavit.

vuukle comment

GANDA

ISLAND COVE

JOSE MARIE BORJA VICERAL

NAVARRO

PASIG CITY PROSECUTOR

PASIG PROSECUTOR

PROSECUTOR ROBINSON LANDICHO

ROXANNE CABANERO

SI VICE GANDA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with