^

Bansa

Bike vs bike: Pulis, Kano patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 60-anyos na Amerikano at isang pulis habang sugatan naman ang misis nito makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Dapitan City, Zamboanga del Norte  kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng police regional office-9  ang mga namatay na biktima na sina SPO1 Armand Dalman ng Sibutad PNP Station, 42, ng Brgy. Poblacion, Sibutad; at Stephen Orr ng #2114 Shreveport HWY 271 Pinville, Los Angeles at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Banonong sa nasabing lungsod.

Isinugod naman sa paga­mutan si Nora Dalman na kawani ng lokal na pamahalaang bayan ng Sibutad.

Sa imbestigasyon, ka­angkas ni SPO1 Dalman sa motorsiklo ang kaniyang misis nang makabanggaan ang kasalubong na motorsiklo ni Orr pagsapit sa kahabaan ng national highway sa Barangay Polo, Dapitan City.

Sa lakas ng banggaan ay kapwa tumilapon ang dalawang driver ng motorsiklo na nagtamo ng ma­titinding sugat sa katawan at kapwa idineklarang patay sa Dr. Jose Rizal Memorial Hospital.

Patuloy namang isinasalba sa pagamutan ang misis ni Dalman na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.

 

vuukle comment

ARIEL HUESCA

ARMAND DALMAN

BARANGAY POLO

BRGY

CHIEF INSP

DALMAN

DAPITAN CITY

DR. JOSE RIZAL MEMORIAL HOSPITAL

SIBUTAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with