^

Bansa

Cedric, Deniece lovers

Ludy Bermudo at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi magkaibigan kundi ‘lovers’ ang ipinapakita ng panibagong footage ng closed circuit television (CCTV) na kuha sa elevator ng Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City, kung saan hinahalikan ng negosyanteng si Cedric Lee si Deniece Cornejo sa magkabilang leeg.

Ito ang video footage na hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na kuha umano noong Enero 23, 2014 ilang oras lamang ang nakalipas matapos ang sinasabing pambubugbog sa actor at TV host na si Vhong Navarro at sinasabing pagbabalik sa nasabing condominium ng grupo ni Cedric mula sa pagpa-blotter sa actor sa pulisya.

Isa pang kuha sa CCTV na hawak din ng NBI ang may petsang Enero 17, 2014, na may oras na 21:59, ang sinasabing unang pagtatagpo ni Navarro at Cornejo sa nasabing condominium, kung saan magkasabay pang pumasok sa gusali ang dalawa at sabay din sa elevator paakyat.

Makalipas ang 3 oras ay sumakay ulit sa elevator si Navarro at umalis.

Makikita rin sa pagpapatuloy ng CCTV na 30 minuto lamang na nakaalis si Navarro ay dumating din ang grupo ni Lee sa condominium.

Sa video footage naman noong Enero 22, makikitang 30 minuto bago dumating si Navarro, nauna nang nakara­ting doon si Bernice Lee, kapatid ni Cedric, at dalawang lalaki na sumakay ng elevator.

Makalipas ang ilang minuto, makikitang muling sumakay ng elevator si Bernice pero mag-isa na lang siya.

Samantala, hindi sinipot nina Lee, Cornejo at anim pa ang unang araw ng pagdinig ng Department of Justice sa kasong isinampa laban sa kanila ni Navarro.

Tanging ang abogado lamang nina Cedric, Cornejo at Bernice na si Atty. Arleo Magtibay ang nakadalo sa preliminary investigation.

Ayon kay Magtibay, dumalo umano sina Cornejo at ang magkapatid na Lee sa kanilang pagdinig sa Taguig Regional Trial Court kaugnay ng isinampa nilang petition for temporary protection order na ibinasura naman ng korte.

vuukle comment

ARLEO MAGTIBAY

BERNICE

BERNICE LEE

CEDRIC

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with