^

Bansa

Pagtugis kay Kato inutos ng Pangulo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III bilang commander-in-chief sa militar ang pagtugis sa grupo ni Ameril Umbra Kato ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos makatakas sa dragnet sa Maguin­danao.

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. na, sa kabila ng anunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinatapos na nila ang Operation Darkhorse II laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) dahil nakubkob na ang kanilang pinakamalaking kampo nito, iniutos pa rin ng Pangulo ang pagtugis sa lider ng grupo.

Ayon kay Sec. Coloma, pinatitiyak ni Pa­ngulong Aquino sa militar ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa anumang karahasan.

Wika pa ni Coloma, hindi titigilan ng gobyerno ang mga kaaway ng republika at mananatiling proactive ang kanilang pagkilos.

 Hindi naman daw nagkulang ang mga sundalo sa kanilang tungkulin bagama’t bigong makuha si Kato na napabalitang na-stroke, maging ang kanyang kanang kamay na si Muhaiden Animbang na sinasabing bagong kumander ng BIFF,” dagdag pa ni Coloma.

vuukle comment

AMERIL UMBRA KATO

AQUINO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

COLOMA

HERMINIO COLOMA JR.

MUHAIDEN ANIMBANG

OPERATION DARKHORSE

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with