^

Bansa

BDO at sangay nito nagwagi sa The Asset Country Awards

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang BDO Unibank, Inc. (BDO) at ang sangay nitong investment banking na BDO Capital and Investment Corporation ay nagwagi kamakailan         sa The Asset Triple A Country Awards 2013 na ginanap sa Hong Kong.

Ang BDO na pinakamalaking bangko sa Pilipinas ay pinangalanang Best Domestic Bank dahil sa ipinakita nitong tuluy-tuloy na sound financial performance. Naka-highlight sa The Asset ang 73 percent na profit growth ng BDO sa unang siyam na buwan ng 2013 dahil sa mas mataas na gross customer loans at total deposits na naitala nito sa panahong iyon.

Samantala, napanalunan ng BDO Capital ang ika-walong magkakasunod nitong parangal na Best Domestic Investment Bank, tanda ng patuloy nitong pamumuno sa debt and equity transactions at financial advisory deals.

Partikular na tinukoy ng The Asset ang ilang mga equities transactions ng BDO Capital na nagkakahalaga ng Php138 bilyon at naipasok nito sa merkado at sa debt capital markets deals kung saan ay nangunang makilahok ito kasama ng Php492.3-bilyong halaga ng notes, bonds at loans sa peso o US dollar para sa ilang mga corporate at government entities.

Ang BDO ay isang full-service at pangkalahatang bangko na nagbibigay ng malawak na pagpipilian na corporate at retail banking na serbisyo. Kabilang sa mga serbisyong ito ay traditional loan at deposit products, gayun din ang treasury, trust banking, investment banking, private banking, cash management, leasing and finance, remittance, insurance, retail cash cards at credit card.

 

vuukle comment

ASSET TRIPLE A COUNTRY AWARDS

BDO

BEST DOMESTIC BANK

BEST DOMESTIC INVESTMENT BANK

CAPITAL AND INVESTMENT CORPORATION

HONG KONG

KABILANG

NAKA

PARTIKULAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with