^

Bansa

Looting talamak, pati ATM tinira

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpadala na ng ka­ragdagang tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa Eastern Visayas para tugunan ang peace and order situation sa lugar, bunga ng ulat na pagnanakaw at iba pang uri ng kriminalidad matapos ang pinsalang iniwan ng bagyong Yolanda.

Ayon kay PNP chief Director General Alan Pu­risima, karagdagang 120 police officers ang idineploy sa Tacloban City mula Metro Manila at Central Visayas upang proteksyunan ang natu­rang mga establisimyento at manumbalik ang katahimikan at kaayusan dito.

Maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagpadala ng may 100 sundalo upang tumulong sa pagpapayapa sa mga residente na napaulat na naging marahas dala ng kakapusan ng pagkain.

Nauna rito, iginiit ng mga residente na marami sa kanila ang hindi na nakapagtiis sa paghihintay at pinasok ang mga mall at groceries stores, maging ang mga automated teller machines (ATMs) ay sinira at kinuha ang lamang pera nito.

Ayon sa ulat, pinagdiskitahan na rin ng mga residente ang ilang ATM dala ng labis na pagka-despe­rado bunga ng kakulangan ng suplay ng pagkain.

Ayon sa residente, dala ng nararanasang hirap, halos pantay-pantay na umano ang buhay nila sa Tacloban, wala ng mahirap o mayaman.

Sa pagtama ng bag­yong Yolanda sa Tacloban at iba pang parte ng Eastern Visayas bukod sa mga nasirang tahanan at mga establisimyento, nawalan din ng komunikasyon sa buong lugar. 

Nasira rin ang mga paliparan kaya walang paraan para makahatid kaagad ng tulong ang si­numan sa mga residente.

Tanging ang C-130 helicopter ng AFP ang nakakalipad patungo sa Tac­loban city na nagdadala ng mga relief goods para sa mga mamamayang naapektuhan.

Umapela ang mga awtoridad sa mga residente na maging mahinahon at ginagawa na nila ang kanilang makakaya para maihatid ang tulong ng pamahalaan para sa kanila.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CENTRAL VISAYAS

DIRECTOR GENERAL ALAN PU

EASTERN VISAYAS

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with