^

Bansa

Magsasaka may bagong kakampi

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakilala na sa publiko ng isa sa mga na­ngungunang agriculture conglomerate sa bansa ang sarili nilang brand ng produkto na inaasahang makakatulong ng husto sa mga magsasaka lalo na sa mga nag-aalaga ng hayop tulad ng baboy at manok.

Sa isinagawang laun­ching ng Calata Corporation sa Crowne Plaza Galleria Hotel sa Ortigas Cen­ter sa Pasig City, ipinakilala ng kumpanya ang Golden Bean Feeds, “ Ang Bagong Kakampi ng Bayan. “

Ayon kay Joseph Calata, Chairman at Chief Executive Officer ng Calata Corp., ang Golden Bean Feeds ay nabuo sa pamamagitan ng kanilang partnership o pakikipagtulungan sa isa ring higanteng agricultural company mula sa China.

Ito ay ang New Hope Group na isa sa pina­kamalaking producer ng feeds sa nabanggit na bansa at siya ring pinakama­lawak na supplier ng karne, itlog at dairy products na tinatayang kumikita ng 8.8 bilyong dolyar kada taon.

Sinabi ni Calata na ina­asahan nilang ang Gol­den Bean Feeds ay hindi lamang magbibigay ng malaking kita sa kumpanya kundi makikinabang din dito ang maraming mga magsasaka pati na ang kanilang pamilya.

Sinabi ni Calata na sa bawat benta o mabibiling Golden Bean Feeds, ang ilang bahagi nito ay mapupunta sa isang foundation para suportahan ang pag-aaral ng mga anak ng mga magsasaka pati na sa livelihood at human development program na kanilang ginagawa sa buong bansa.

vuukle comment

ANG BAGONG KAKAMPI

BEAN FEEDS

CALATA

CALATA CORP

CALATA CORPORATION

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

CROWNE PLAZA GALLERIA HOTEL

GOLDEN BEAN FEEDS

JOSEPH CALATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with