^

Bansa

Spokesmen ni PNoy binalasa

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala raw “takeover” sa Communications Group ni Pangulong Aquino dahil sa biglang paglutang ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr.

Sinabi ni Sec. Coloma, bahagi lamang siya ng comm. group ni Pangulong Aquino pero hindi nangangahulugan na may nawala o kanyang pinalitan sa pagsasagawa ng regular briefing.

Aniya, lahat sila ay nagtutulungan upang maipabatid sa taumbayan ang mga ginagawa ng gobyerno at ng Pangulo para sa kagalingan ng mamamayan.

Wala rin anyang katotohanan na nadismaya si PNoy sa performance ng communications group kaya nagkaroon ng pagbabago.

Magugunita na dati ay sina Presidential Spokesman Edwin Lacierda at Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang nagsasagawa ng regular media briefing sa Palasyo pero biglang si Coloma na ang nagsagawa nito.

Unang napaulat na bumagsak ng 15% ang public satisfaction rating ng Pangulo batay sa survey ng social weather stations noong September 20 to 23 at isinisisi sa pork barrel scam at mga kwestiyon sa paggamit ng Disbursement Acceleration Program.

Itinanggi din ni Coloma na pinalitan na niya si Lacierda bilang taga­pagsalita ng Pangulo bagamat inamin na mas malimit na daw itong haharap sa Malacañang Press Corps upang mas malinaw na maipaliwanag ang mga isyu.

Tatlong beses na kada linggo haharap sa media briefing si Coloma habang pagpapasyahan naman nina Lacierda, Sec. Ricky Carandang at Valte kung sino sa kanila ang haharap sa natitirang apat na araw.

vuukle comment

COLOMA

COMMUNICATIONS GROUP

COMMUNICATIONS SEC

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

HERMINIO COLOMA JR.

LACIERDA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with