Salceda Lingkod Bayan awardee
MANILA, Philippines - Pararangalan ng Civil Service Commission (CSC) si Albay Gov. Joey Salceda bilang 2013 Presidential Lingkod Bayan awardee sa Oktubre 24 sa Malacañang.
Sa isang liham na ipinahatid kay Salceda kamakailan, inanunsiyo ni CSC Chairman Francisco T. Duque ang parangal sa isang maigsing mensahe lamang: “Congratulations for being chosen as the 2013 Presidential Lingkod Bayan Awardee!â€
Inungusan ni Salceda ang 16 iba pang nominado sa parangal sa individual category. Kasama sa iilan na naunang tumanggap na ng naturang parangal sina dating DILG Secretary Jesse Robredo at Phivolcs Director Renato Solidum Jr.
Ang Lingkod Bayan Award ay ipinagkakaloob sa isang tao o grupo bilang pagkilala sa natatangi niya o nilang nagawa at pambihirang kuntribusyon sa panlipunang kabutihan, matapos ang mabusising pagpili mula sa mga nominado para dito. Layunin ng parangal ang magbigay ng inspirasyon para sa mga nasa gobiyerno na ibayo silang magsikap para mapataas ang serbisyo sa mga mamamayan.
- Latest
- Trending