^

Bansa

Dalaga kinidnap ng ka-textmate natagpuang namamalimos, tulala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tulala at nanghihingi ng makakain nang matagpuan ang isang 21-anyos na dalaga na may tatlong buwan nang nawawala mula sa Kaliraya, Quezon City.

Ang biktimang itinago sa pangalang “Isang” ay nakipag-eyeball umano sa ka-textmate nito na ki­nilalang si Milbert Roxas, 41, sa Sampaloc, Maynila.

Hindi na umano pina­kawalan ng suspect ang dalaga na napusuan ng huli dahil sa mga pambo­bola hanggang sa mag­sama ang dalawa.

Pinagbabantaan umano ng suspect na papatayin ang dalaga kung iiwan siya nito hanggang sa tumagal silang magka­sama ng walang pera at namalimos na lamang.

Ikinatuwa naman ng mga magulang ng dalaga ang kanilang pagkikita kahit nanlilimahid at ma­dungis ang anak, na tulala dahil sa gutom.

Kamakalawa namataan ang biktima at suspect ng mga residente ng San Antonio St. sa San Andres Malate, Maynila na nanghihingi ng makakain bandang alas-12:00 ng tanghali, na inireport ni Chairman Renato Mendoza ng Brgy. 723 Zone 79.

Pinagdudahan ng mga tagaroon ang presensiya ng dalawa na hindi nila kilala kaya ipinahuli sa ba­rangay bago dinala sa himpilan ng pulisya.

Nang beripikahin, lumi­taw na ang dalaga ay ma­tagal nang naka-blotter sa MPD-Headquarters sa Children and Women’s Protection Investigation Section na nawawala.

Nakapiit na sa MPD-Malate Police Station 9 ang suspect na sasampahan ng kidnapping.

vuukle comment

CHAIRMAN RENATO MENDOZA

CHILDREN AND WOMEN

MALATE POLICE STATION

MAYNILA

MILBERT ROXAS

PROTECTION INVESTIGATION SECTION

QUEZON CITY

SAN ANDRES MALATE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with